foss4g qgis qgis3 release cycle filipino
Ang post na ito ay naglalayong sagutin ang ilang katangungan ukol sa mga bersyon ng QGIS at ang release cycle nito.
Una sa lahat, maari mong malaman ang version ng QGIS na gamit mo at iba pang impormasyon sa pamamagitan ng Help -> Check QGIS Version mula sa Menu bar.
Mayroon. Ang release at development ng QGIS ay sumusunod sa isang timebased schedule or roadmap. Ang schedule o roadmap na nito ay maaring makita dito o sa ibaba.
Event |
Latest |
Long-Term Repo |
Freeze |
Date |
Week # |
Weeks |
---|---|---|---|---|---|---|
LTR/PR |
3.4.0 |
2.18.25 |
2018-10-26 |
43 |
4 |
|
EPR |
3.4.1 |
2018-11-02 |
44 |
4 |
||
PR |
3.4.2 |
2.18.26 |
2018-11-23 |
47 |
4 |
|
PR |
3.4.3 |
2.18.27 |
2018-12-21 |
51 |
4 |
|
PR/FF |
3.4.4 |
2.18.28 |
3.5 |
2019-01-18 |
3 |
5 |
LR/PR |
3.6.0 |
3.4.5 |
2019-02-22 |
8 |
4 |
|
PR |
3.6.1 |
3.4.6 |
2019-03-22 |
12 |
4 |
|
PR |
3.6.2 |
3.4.7 |
2019-04-19 |
16 |
4 |
|
PR/FF |
3.6.3 |
3.4.8 |
3.7 |
2019-05-17 |
20 |
5 |
LR/PR |
3.8.0 |
3.4.9 |
2019-06-21 |
25 |
4 |
|
PR |
3.8.1 |
3.4.10 |
2019-07-19 |
29 |
4 |
|
PR |
3.8.2 |
3.4.11 |
2019-08-16 |
33 |
3 |
|
FF |
3.9 |
2019-09-06 |
36 |
1 |
||
PR |
3.8.3 |
3.4.12 |
2019-09-13 |
37 |
4 |
|
HF |
2019-10-11 |
41 |
2 |
|||
LTR/PR |
3.10.0 |
3.4.13 |
2019-10-25 |
43 |
6 |
|
PR |
3.10.1 |
3.4.14 |
2019-12-06 |
49 |
6 |
|
PR/FF |
3.10.2 |
3.4.15 |
3.11 |
2020-01-17 |
3 |
5 |
LR/PR |
3.12.0 |
3.10.3 |
2020-02-21 |
8 |
4 |
|
PR |
3.12.1 |
3.10.4 |
2020-03-20 |
12 |
4 |
|
PR |
3.12.2 |
3.10.5 |
2020-04-17 |
16 |
4 |
|
PR/FF |
3.12.3 |
3.10.6 |
3.13 |
2020-05-15 |
20 |
5 |
LR/PR |
3.14.0 |
3.10.7 |
2020-06-19 |
25 |
4 |
|
PR |
3.14.1 |
3.10.8 |
2020-07-19 |
29 |
4 |
|
PR |
3.14.15 |
3.10.9 |
2020-08-14 |
33 |
4 |
|
PR/FF |
3.14.16 |
3.10.10 |
3.15 |
2020-09-11 |
37 |
6 |
LTR/PR |
3.16.0 |
3.10.11 |
2020-10-23 |
43 |
4 |
|
PR |
3.16.1 |
3.10.12 |
2020-11-20 |
47 |
4 |
|
PR |
3.16.2 |
3.10.13 |
2020-12-21 |
52 |
4 |
|
PR/FF |
3.16.3 |
3.10.14 |
3.17 |
2021-01-15 |
3 |
5 |
LR/PR |
3.18.0 |
3.16.4 |
2021-02-19 |
8 |
4 |
|
PR |
3.18.1 |
3.16.5 |
2021-03-19 |
12 |
4 |
|
PR |
3.18.2 |
3.16.6 |
2021-04-16 |
16 |
4 |
|
PR/FF |
3.18.3 |
3.16.7 |
3.19 |
2021-05-14 |
20 |
5 |
LR/PR |
3.20.0 |
3.16.8 |
2021-06-18 |
25 |
4 |
|
PR |
3.20.1 |
3.16.9 |
2021-07-16 |
29 |
4 |
|
PR |
3.20.2 |
3.16.10 |
2021-08-13 |
33 |
4 |
|
PR/FF |
3.20.3 |
3.16.11 |
3.21 |
2021-09-10 |
37 |
6 |
LTR/PR |
3.22.0 |
3.16.12 |
2021-10-22 |
43 |
4 |
|
PR |
3.22.1 |
3.16.13 |
2021-11-19 |
47 |
4 |
|
PR |
3.22.2 |
3.16.14 |
2021-12-17 |
51 |
4 |
|
PR/FF |
3.22.3 |
3.16.15 |
3.23 |
2022-01-14 |
3 |
5 |
LR/PR |
3.24.0 |
3.22.4 |
2022-02-18 |
8 |
4 |
|
PR |
3.24.1 |
3.22.5 |
2022-03-18 |
12 |
4 |
|
PR |
3.24.2 |
3.22.6 |
2022-04-15 |
16 |
4 |
|
PR/FF |
3.24.3 |
3.22.7 |
3.25 |
2022-05-13 |
20 |
5 |
LR/PR |
3.26.0 |
3.22.8 |
2022-06-17 |
25 |
4 |
|
PR |
3.26.1 |
3.22.9 |
2022-07-15 |
29 |
4 |
|
PR |
3.26.2 |
3.22.10 |
2022-08-12 |
33 |
4 |
|
PR/FF |
3.26.3 |
3.22.11 |
3.27 |
2022-09-09 |
37 |
6 |
LTR/PR |
3.28.0 |
3.22.12 |
2022-10-21 |
43 |
4 |
|
PR |
3.28.1 |
3.22.13 |
2022-11-18 |
47 |
4 |
|
PR |
3.28.2 |
3.22.14 |
2022-12-16 |
51 |
4 |
|
PR/FF |
3.28.3 |
3.22.15 |
3.29 |
2023-01-13 |
3 |
5 |
Event Legend
Event | Description |
---|---|
LTR | Long term release, begin of new development phase |
LR | Regular release, begin of new development phase |
FF | Feature freeze, end of development phase |
HF | Hard freeze |
SF | Soft freeze with bi-monthly vote |
PR | Point release of latest release and LTR branch |
EPR | Extra Point release |
Makikita natin na ang bawat bersyon ng QGIS ay may kaakibat na tatlong numero (X, Y, Z). Halimbawa, QGIS 3.10.11. Ano nga ba ang ibig sabihin ng 3, 10, at 11?
Ang X ay ang main version ng QGIS. Sa ngayon, tayo ay nasa QGIS 3 na. Kaya ang mga release ng QGIS ay nagsisimula sa QGIS 3.
Ang Y ay kung anong release version ito. Ang release version ay sinisimbulo ng isang even number. Halimbawa: 3.2, 3.4, 3.6, 3.8, 3.12, 3.14, 3.16, 3.18, etc. Bakit nga ba sila even numbers? Ito ay dahil ang odd numbers ay nakareserba para sa development versions o yung mga bersyon kung saan nagaganap ang development ng QGIS bago sila i-release. Halimbawa: ang QGIS 3.1 ay ang development version para sa QGIS 3.2, ang QGIS 3.3 ay ang development version para sa QGIS 3.4.
Ang Z ay sumisimbulo kung pang-ilang Point Release (PR) na ito sa release version.
Bumalik tayo sa QGIS 3.10.11, ang ibig sabihin ng mga numerong ito ay:
Technically, mayroong tatlong branches ang QGIS na maari mong idownload/install. Ito ay ang Long Term Release (LTR) branch, Latest Release (LR) branch, at ang Development (Nightly) branch. Bilang isang user, madalas ang mahalagang branches lang na kailangan natin ay ang LTR at LR branch. Ang development o nightly branch ay ang bersyon ng QGIS na nakabase sa pinakabagong bersyon ng source code ng QGIS at hindi ganun kasigurado ang stability nito ngunit kung nais mong ma-test o makita ang mga paparating na features ng QGIS, sa development o nightly branch mo sila mahahanap.
Ang LTR, LR ay designations kung anong uri ng release ang bersyon na iyon. Tulad ng nabanggit sa itaas may LTR at LR branches (o bersyon) ng QGIS na maari nating i-install.
Ang Long Term Release (LTR) ay tinatawag na ganito sapagkat ito ay maintained at nakakatangap ng bug-fixes hanggang ilabas ang susunod na LTR. Sa ngayon, pinag-uusapan pa kung itataas ang length of support para sa LTR branch sa dalawang (2) taon mula sa kasalukuyang (1) taon. Sa kasalukuyan, ang LTR ay 3.10.11 subalit ito ay mapapalitan ng 3.16.4 sa Pebrero 2021.
Ang Latest Release (LR) ay ang release version ng QGIS na naglalaman ng mga pinakabagong featues nito. May bagong LR na inilalabas bawat apat na buwant. Halimbawa, ang 3.16 LR ay inilabas ngayong buwan ng Oktubre, ang susunod na LR (3.18) ay ilalabas apat na buwan mula ngayon sa Pebrero. Sa kasalukuyan, ang bawat ika-tatlong LR ay ang nagiging susunod na LTR. Halimbawa, ang LTR ngayon ay ang 3.10 release. Ang ikatlong release mula sa 3.10 ay 3.16 (3.10, 3.12, 3.14, 3.16) kaya ang susunod na LTR ay nakabase sa 3.16 release version.
Sa unang apat na buwan matapos ang release ng bagong designated LTR (3.16.0), hindi nito agad pinapalitan ang nakaraan LTR sa LTR repositories. Papalitan niya lamang ito kapag nailabas na din ang bagong LR (3.18.0).
Ang development o nightly na bersyon ay nakabase sa pinaka-recent na bersyon ng source code ng QGIS (master branch). Ang source code na ito ay maaring makita dito.
Tulad nga ng makikita sa itaas, consistent ang development cycle ng QGIS. Narito ang ilang bagay na kailangan mong malaman.
Depende sa user. Kung kailangan mo ng bersyon na supported ng mas matagal at hindi mo naman masyadong kailangan ang mga bagong features, mainam gamitin ang LTR. Kung ang nais mo naman ay magkaroon ng mga pinakabagong features ng QGIS at hindi issue ang pag-uupgrade kada ilang buwan, mainam gamitin ang LR. Mainam din minsan tingnan ang Development version lalo na kung curious or excited kang magamit ang mga paparating na features ng QGIS.
Marahil ay nakilala natin ang QGIS noong kabataan niya kung kailan kilala pa siya bilang Quantum GIS subalit alam niyo ba na simula QGIS 2 (2013) ay opisyal nang pinalitan ang pangalan sa QGIS mula sa Quantum GIS. Samakatuwid, mas mainam na gamitin ang QGIS o Q imbes na Quantum GIS sa pagtukoy ng QGIS.
Sa kasalukuyan, ang mga pangalan ng bersyon ng QGIS ay hango sa mga lugar kung saan ginanap ang mga nakaraang QGIS User Conference at Developer Meetings tulad ng Hannover, București, A Coruña, Zanzibar, Madiera, etc. Isang exception ay ang QGIS 3.14 na pinangalanang Pi.
Bago nito, ang pangalan ng mga bersyon ng QGIS noon ay hango sa mga buwan ng Saturn at Jupiter.
At iyan ang mga bagay ukol sa mga bersyon at release cycle ng QGIS. Ikaw, anong bersyon ang gamit o paborito mo? Maari ring mag-iwan ng katanungan o kumento sa ibaba.
Like and follow BNHR on Facebook and Twitter for more #FOSS4G and #QGIS stuff. :)
foss4g foss4gph qgis gis presentation
foss foss4g opensource freeasinfreedom freesoftware
foss4g foss4gph thesis uaap mapping the geography of the uaap spatial analytics basketball basketball analytics
foss4g foss4gph qgis gis presentation
If you find my website or any of the materials I share useful, you can consider donating to the cause below.
Except when explicitly stated otherwise, this work and its contents by Ben Hur S. Pintor is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-ShareAlike 4.0 International License.
Other works (software, source code, etc.) referenced in this website are under their own respective licenses.
This site is powered by Jekyll and hosted on Github (view source)