Tugma

21 Feb 2019 ᛫ 1 min read

Share:


Pagkat ang bukas mo at bukas ko
ay di na nagtutugma
Nakalimutan mo na yata
sabay dapat tayo tatanda

Dahan dahan nang lumisan
mga alaala mo sa aking kwarto
At ang tayo ay nagbalik na
sa ikaw at ako

Pagkat ang pintig ng ating mga puso
ay di na nagtutugma
Parang silakbo ng delubyo
na tila nagbabadyang

Wasakin ang mga pangarap
na sabay nating binuo
At ang pangako ng habambuhay
na iyo nang sinuko

Pagkat ang iyong mga mata at salita
ay di na nagtutugma
Wala na ang lambing sa iyong labi
at init sa iyong aruga

Iba na ang dahilan
sa likod ng iyong mga ngiti
Na parehong dahilan
ng aking pighati

Kaya’t ito na rin marahil
ang huli kong pagtutugma
Pagka’t aanhin ang tugma
kung ang rason ay wala


Share:


You may also like: